PINABULAANAN | Russian Pres. Putin, itinangging kilala nila ang mga suspek na sangkot sa Salisbury poisoning

710

Pinabulaanan ng kampo ni Russian President Vladimir Putin na kilala nila ang dalawang suspek na sangkot sa paglason sa dati nilang espiya at anak na nasa Britanya.

Ayon kay Russian Foreign Policy Adviser, Yuri Ushakov, hindi nila kilala ang mga suspek na nasa likod ng tangkang pagpatay kay ex-spy Sergei Skripal at anak nitong babae.

Bago ito, ibinunyag ni British Prime Minister Theresa May na ang mga suspek ay nagtatrabaho sa military intelligence ng Russia na sina Alexander Petrov at Ruslan Boshirov.

Facebook Comments