PINADALI | MIAA, binuksan na ang lahat ng gates ng NAIA terminal 3

60

Manila, Philippines – Binuksan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang lahat ng gates ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 para mas mabilis na makapasok ang nakapila.

Ayon kay MIAA Assistant General Manager for Operation Engineer Bing Lina, inaasahan kasi nila na higit sa 124,000 pasahero ang dadaan sa NAIA ngayong Holy Week break.

Mainam rin aniyang maglaan ang mga pasahero ng dalawang oras para sa domestic flights at tatlong oras sa international flights para hindi maabala sa pila.

Tiniyak naman ng Bureau of Immigration (BI) na mas mabilis na ang pila sa immigration.

Kumpleto rin aniya ang mga immigration officer sa booth.

Facebook Comments