PINAG-IINGAT | Security advisory, inilabas para sa mga Pinoy sa Syria kasunod ng serye ng mortar attack

54

Syria – Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Damascus ang mga Pinoy doon kaugnay sa serye ng mortar attack sa lugar.

Parami na nang parami kasi ang nasusugatan sa pag-atake sa Bab Touma at Abbassen pati na rin sa ibang mga kalapit lalawigan.

Sa security advisory ng embahada, pinapayuhan ang Pinoy sa capital city na manatili na lamang sa kanilang mga bahay kung wala namang mahalagang lakad.

Kung hindi naman maiiwasang lumabas ng bahay, ay tiyakin na lang daw na lumayo sa matataong lugar tulad ng shopping mall, public market, government building, police at military installations, pati na rin sa military check point na kadalasang nagiging target ng pag-atake.

Hinikayat din ng embahada ang mga pinoy sakaling magkaroon ng emergency na makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng mga numerong: ‎0960-006113, ‎0949-155557 at ‎613-2626.

Ang Syria ay kasaluluyang nasa alert level 4 dahil sa umiiral na civil war.

Facebook Comments