PINAG-PLANUHAN | Pananambang sa grupo nina FDA Dir. Gen. Nela puno , Planado – ayon sa PNP

Pinag-planuhan ang pananambang kina Food and Drug administration Director General Nela Puno sa Lupi Camarines Sur kaninang umaga.

Ito ang inihayag mismo ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Aniya batay sa inisyal nilang imbestigasyon nagawa pang makapag pasabog ng itinamin na Improvised Explosive device ng mga komunistang terorista kaya tiyak aniyang planado ang pananambang.


Sinabi pa ni Albayalde na idedeploy pa lamang sana ng kanyang mga tauhan ang security road para sa dadaanan ng sasakyan ni Dir. Gen. Puno pero tinambangan na ng nasa 20 miyembro ng komunistang grupo ang mga police escort.

Posible naman daw nagpaparamdam lang ang Komunistang grupo na malakas pa rij ang kanilang pwersa kaya ginawa nila ang pananambang.

Nagpapatuloy aniya ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments