PINAG-RERESIGN | SolGen Calida, pinagbibitiw ni Senator Pangilinan

137

Manila, Philippines – Pinagbibitiw na ni Senator Francis Kiko Pangilinan si Solicitor General Jose Calida dahil sa umano ay 150-million pesos na naiselyong kontrata sa gobyerno ng security guard agency na pagmamay-ari ng kanyang asawa at anak.

Ayon kay Pangilinan, dapat tularan ni Calida ang ginawang pagbibitiw ni dating Tourism Secretary Wanda Teo.


Magugunitang si Teo ay nagbitiw matapos lumabas ang 60-million pesos na advertisement placement ng Dept. of Tourism sa mga programa ng kanyang mga kapatid na Tulfo sa PTV 4.

Kantyaw pa ni Pangilinan, dapat ay 3-beses na magresign si Calida dahil ang halaga ng kontratang nakuha ng kanyang security agency ay tatlong beses na mas malaki sa halaga ng kontrobersyal na advertisement ng DOT sa PTV 4.

Pang-uurot pa ni Pangilinan, baka magpapresscon din si Calida para ihayag na ibabalik din niya ang nasabing salapi katulad ng ginawa ng magkapatid na Tulfo.

Facebook Comments

From Advertisers