PINAGAGABAYAN | VP Robredo – ipinagdarasal pa rin si Pangulong Duterte sa kabila ng paulit-ulit na pag-atake laban sa kanya

51

Manila, Philippines – Ipinagdarasal ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga paulit-ulit na pag-atake laban sa kanya.

Ayon kay Robredo – isinasaman niya ang Pangulo sa kanyang dasal dahil umaasa ang lahat ng Pilipino sa kanyang pamumuno.

Ani Robredo – ipinapanalangin niya sa Diyos na patuloy nitong gagabayan ang Pangulong Duterte at bigyan ng lakas para sa pagpapabuti ng bansa.

Matatandaang minaliit ng Pangulong Duterte ang kakayahan ni Robredo na mamuno ng bansa

Inihayag din ng punong ehekutibo na hotbed ng shabu ang Naga City, ang hometown ng Bise Presidente.

Facebook Comments