PINAGBABARIL | 2, patay sa pamamaril sa New Lower Bicutan, Taguig City

41

Taguig City – Napatay ang dalawang tao matapos ang walang habas na pamamaril ng hindi pa nakikilalang salarin sa New Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang lalaking biktimang si Vicente Delas Alas na dead on arrival sa ospital.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng isang babaeng na naabutang nakahandusay sa kalsada.

Kapwa nagtamo ang mga biktima ng mga tama ng bala sa ulo.

Narekober sa crime scene ang kalibre-45 baril.

Facebook Comments