PINAGBABARIL | 3, patay sa Quezon City

55

Quezon City – Patay ang tatlong tao habang isa ang sugatan sa pamamaril sa
Steve Baba Street, Barangay Commonwealth, Quezon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Rex Delmonte, isang alyas “Efren” at isang
alyas “Menggay” na pawang mga kolektor ng mga renta sa mga pwesto sa
Commonwealth Market.

Ayon sa anak ng biktimang si Delmonte, nasa loob sila ng bahay kasama ang
apat niyang kapatid nang pumasok ang dalawang lalaki na nakasuot ng helmet.

Dito na aniya pinagbabaril ng mga suspek si Delmonte kasama si alyas
“Efren” at alyas “Menggay” na makikitulog lang sana.

Nadamay naman aniya sa pamamaril ang nakababatang kapatid niya na natutulog
sa sahig nang mangyari ang insidente.

Facebook Comments