PINAGBABARIL | Binata patay sa pamamaril sa Maynila

76

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang binata matapos na pagbabarilin sa isang lamayan kaninang alas 4:20 A.M sa loob ng Building 15 ground floor Aroma Compound Barangay 105 Tondo Maynila.

Nakilala ang biktima na si Ericson Israel 18-anyos residente Building 34 Aroma Compound Barangay 105 Tondo Maynila habang agad na aresto naman ang suspek na si Rico Canapin, residente ng Gawad Kalinga Aroma Compound Barangay 105 Tondo Maynila.


Ayon kay PO2 Jayson Emata habang naglalaro ng tong its ang biktima kasama sina ang kanyang live in partner na si Mary Rose Galit at Edmar Nursali sa Bldg.15 Aroma Compound Barangay 105 Tondo Maynila nang biglang dumating ang suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril sa likurang bahagi ng kanyang ulo pagkatapos ay mabilis na tumakas pero sa ginawang follow up operation ay agad namang naaresto ang naturang suspek.

Sinasabing dating alitan ang motibo ng suspek sa pagpatay sa binata.

Facebook Comments