PINAGBABARIL | Human rights lawyer na kasama sa fact finding sa Sagay 9, patay sa pamamaril

717

Patay ang isang human rights lawyer sa Negros Occidental matapos barilin kagabi.

Sa report ng Human rights group na Karapatan, kinilala ang biktima na si Benjamin Ramos.

Bandang alas diyes kagabi nang barilin si Ramos ng di pa nakikilalang salarin sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima na naisugod pa sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Si Ramos ay kabilang sa sumama sa isinagawang Quick Reaction Team na nag-imbestiga sa Sagay massacre.

Facebook Comments