PINAGBABARIL | Lalaki, patay sa pamamaril sa Tondo

58

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila kaninang alas dos ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Noel Tan, truck maintenance worker na taga-Valenzuela.

Tama ng bala ng baril sa tagiliran at kaliwang binti ang tinamo ng biktima.

Blanko pa rin ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng suspek lalo’t walang nakakita sa pamamaril at wala ring CCTV malapit sa crime scene.

Nakuhanan naman ang biktima ng mga drug paraphernalia gaya ng water pipe, foil at lighter.

Iniimbestigahan pa ng MPD Homicide section kung may kinalaman sa droga ang krimen.

Facebook Comments