PINAGBABARIL | Lalaki patay sa riding-in tandem!

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Bambang, Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Al Beltran, 43-anyos.

Sa kuhang CCTV, makikitang bumaba sa motorsiklo ang gunman na naka-short at may suot na backpack.


Maya-maya pa’y nilapitan niya si Beltran saka ito binaril.

Hindi pa nakuntento ang gunman at dalawang beses pa ulit pinaputukan ang biktima kahit nakabulagta na.

Aminado naman ang pamilya ng biktima na dating gumagamit ng shabu si Beltran pero nagbagong-buhay na raw ito at magbabalik trabaho na sana sa Lunes.

Wala rin naman daw nakakaaway ang biktima.

Facebook Comments