Pinagbabaril ng suspek ng rent sangla scam, nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay mula sa ilang biktima bago mapatay

33

Manila, Philippines – Ibinunyag sa barangay ng suspek ng rent sangla scam na nakatanggap siya ng pagbabanta mula sa ilang biktima.

Nabatid na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem si Eleanor Rosales sa Sta. Rosa, Laguna.

Sinabi ito ng Ronald Saquin, chief ng BPATS, Malusak, Sta. Rosa, Laguna – nagpahiwatig na sa kanya si Rosales bago nangyari ang insidente.

Ayon naman kay Atty. Francis Miranda, abogado ng mga biktima ng nasabing scam – bagamat ibabasura na ang kaso laban kay Rosales dahil sa namatay na ito, may habol pa rin ang mga nabiktima niya.

Pahayag naman ni Sta. Rosa, Laguna police spokesperson, Insp. Arthur Serrano – dati nang pinuntahan ng grupo ng mga kalalakihan ang kapatid ng napatay na suspek para pagbantaan ang buhay nito.

Pero sa ngayon, hindi pa rin nagbibigay ng sinumpaang salaysay.

Ipatatawag na rin ng Sta. Rosa police ang kasambahay para sa pahayag matapos na mabaril ang suspek.
Nation

Facebook Comments