PINAGBABARIL | Pulis, patay matapos pagbabarilin sa Maynila

113

Manila, Philippines – Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang biktima na si po2 Joel Padre Juan, na nakatalaga sa anti-crime unit ng MPD Station 4.

Ayon sa MPD, nangyari ang pamamaril sa G. Tuazon Street malapit sa kanto ng Mindoro Street sa Sampaloc.

Nabatid na nasa lugar si Padre Juan nang lapitan ng mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo at nakasuot ng itim na jacket at helmet saka siya pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril kung saan inaalam pa din ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments