PINAGBIGYAN | Kris Aquino, personal na nilapitan ang mga fans matapos rumampa sa red carpet premiere ng international movie nito

California – Pinagbigyan ng TV host / actress na si Kris Aquino ang mga Pinoy fans nito sa California na nag-abang sa kanya sa pagrampa nito red carpet premiere ng kinabibilangan niyang international film.

Nabatid rumampa ang dating presidential sister kasama si Bimby kung saan suot nito ang kulay dilaw na off shoulder gown habang naka-barong naman ang kaniyang anak.

Sinasabing tumawid pa si Kris sa Hollywood Boulevard para lapitan at pagbigyang makipag-selfie sa kanya ang mga fans na ilang oras din nag-antay sa kaniya.


Matatandaan na muntikan nang hindi makapunta si Kris sa California dahil sa iniindang matinding allergy kaya at isinama nito sa byahe ang kanyang doktor.

Say ni Kris, hindi siya papayag na makalagpas ang ganitong uri ng pagkakataon kung saan nakikilala daw ang pangalan ng Pilipinas.

Kinumpirma rin niya na kaunting minuto lang ang naging exposure sa remake ng “Crazy Rich Asians” at prinsesa ang kanyang role dito.

Facebook Comments