PINAGHAHANAP | Pabuya sa makapagtutuo sa 2 suspek sa pagpatay sa deputy chief of police ng Cainta-PNP, inilabas

88

Cainta, Rizal – Posibleng nakalabas na ng Cainta, Rizal ang dalawa sa tinutugis na suspek sa pagpatay sa deputy chief of police ng Cainta-PNP na si Sr/Inps. Jimmy Senosin.

Ayon kay Cainta Mayor Kit Nieto – nakikipag-coordinate na ang Cainta-PNP sa iba pang police station sa mga kalapit nitong bayan para sa agarang ikadarakip nina Ruben Gomez at isang alyas “Toto”.

Una rito, naglabas ng P200,000 pabuya ang munisipyo ng Cainta para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa pinagtataguan ng mga suspek.

Dagdag pa ni Nieto, handa silang ibigay ang iba pang tulong para sa naulilang pamilya ni Senosin, kabilang na ang pagpapaaral sa mga anak nito.

Si Senosin ang nasawi matapos mapuruhan ng granada sa engkwentro laban sa mga drug suspect.

Facebook Comments