PINAGHAHANDAAN NA | TNT Coach Nash Racela, umiisip na ng paraan sakaling tawagin sa Gilas Pilipinas ang apat niyang player sa kasagsagan ng PBA Commissioners Cup

43

Manila, Philippines – Aminado ngayon si TNT Katropa Nash Racela na malaking hamon para sa kaniyang koponan ang nalalapit na PBA Commissioners Cup.

Ayon kay Coach Nash, magiging problema ng Katropa kapag tinawag na ang apat sa kaniyang mga players na sina Terrence Romeo, Jayson Castro, Roger Pogoy at Troy Rosario para maglaro sa Gilas Pilipinas.

Dahil dito, mag-iisip siya ng ibang paraan para magamit ang iba pa niyang reserves upang tapatan ang mga malalakas na player ng ibang koponan.

Nabatid na aabutin ng schedule ng commissioners cup ang third round ng Fiba World Cup qualifiers na magsisimula sa June 29.

Facebook Comments