PINAGKANULO | Kidnapping incident sa San Pablo, Laguna na nauwi sa engkwentro, napag-alamang pulis ang mastermind

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Anti-Kidnapping Group Director Sr. Supt. Glen Dumlao na pakana o utak nang nangyaring pagdukot sa isang high value target na si Ronaldo Arguelles na nauwi pa sa engkwentro sa San Pablo, Laguna kahapon ay kagagawan ng isang pulis.

Kinilala itong si SPO2 Leo Leal Pamonag, nakatalaga sa Police Regional Police 4A.

Natukoy ng PNP AKG na mismong si Pamonag ang namuno sa pagdukot sa kidnap victim na Arguelles na nailigtas sa madugong sagupaan.


Nagsisilbi aniyang financier si Pamonag ng limang kidnaper na nasawi sa engkwentro kahapon.

Ipinadukot aniya ni Pamonag si Arguelles dahil ipinahuli nito ang isang drug runner ni Pamonag.

Sa ngayon ay hawak na ng mga awtoridad ang pulis na si Pamonag matapos mahuli sa ikinasang follow-up operation ng mga pulis.

Matatandaang sa nangyaring sagupaan kahapon habang ang ikinakasa ang rescue operation, limang kidnaper ang nasawi at isang policewowan.

Nalulungkot naman si Dumlao dahil lumalabas na ipinagkanulo ni Pamonag ang kanyang mga kabaro at sinisira ang imahe ng institusyon dahil lamang sa pera.

Facebook Comments