Pinaglaanan ng halagang ini-refund ng Sanofi sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine, sisilipin ng Kamara

43

Manila, Philippines – Aalamin ng mababang kapulungan kung saan napunta ang P1.6 billion na halaga na ini-refund noon ng Sanofi Pasteur sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Oriental Mindoro Representative Doy Leachon, iniipon na lamang niya ang iba’t ibang mga isyu na may kinalaman sa pagtaas ng kaso ng dengue at plano niyang maghain ng resolusyon para silipin ang pondo sa Dengvaxia.


Sisilipin din kung ano ang tulong na naibigay na ng pamahalaan sa 800,000 na pamilya na may mga anak na nabakunahan ng Dengvaxia.

Mababatid na noong nakaraang taon ay inaprubahan ng mababang kapulungan na gamitin na supplemental budget ang isinauling pera ng Sanofi pero wala nang nakuhang update tungkol dito.

Kabilang sa mga programa at plano na paggagamitan sa halagang isinauli ng Sanofi ay ang medical assistance program for Dengvaxia patients – P84 million, outpatient care package -P776.250 million, deployment of nurse, health education and promotion officers – P67.807, proposed active case finding o profiling – P300 million at medical kits na may P270 million fund.

Facebook Comments

From Advertisers