
Iniimbestigahan na ng Malacañang kung saan nagmula ang pekeng memorandum na kumalat tungkol sa work-from-home sa mga tanggapan ng gobyerno dahil sa sama ng panahon.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi palalampasin ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagpapakalat ng pekeng memo na nagdulot ng kalituhan sa publiko.
Tinutukoy na aniya kung sino ang nasa likod ng dokumento.
Nanawagan ang Palasyo sa publiko na maging mapanuri at huwag basta maniwala sa mga dokumentong kumakalat online.
Para sa tamang impormasyon, pinayuhan ang publiko na umasa sa mga opisyal na government channels at lehitimong media.
Facebook Comments










