PINAGNAKAWAN | Donation box ng simbahan, tinira!

Sta. Cruz, Maynila – Isang lalaki ang naaresto matapos siyang maaktuhang
nagnanakaw umano sa donation box ng isang simbahan sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang suspek na si alyas Jay, labing siyam na taong gulang, isang
construction worker.

Sa ulat ng PNP, nakita ng secretary ng simbahan sa CCTV na pinapakialamanan
ng suspek ang donation box.


Nasa mahigit sampung libong piso ang nawawala nang silipin nila ang kahon.

Hindi pa naibabalik ang salapi habang sasampahan naman ng kasong qualified
theft ang suspek.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments