PINAGNAKAWAN | Nanay at 7-anyos na anak, natagpuang patay sa kanilang bahay sa General Trias, Cavite

General Trias, Cavite – Natagpuang patay ang isang mag-ina sa loob ng kanilang bahay sa General Trias, Cavite.

Kinilala ang mga biktima na sina Ruby Gamos at pitong taong gulang niyang anak na babae na si Shaniah Nicole.

Kwento ng sister-in-law ni Gamos na si Karen Bongalos, humingi siya ng tulong sa mga pulis matapos na hindi makabalita tungkol sa mag-ina simula pa noong December 8.


Ayon kay General Trias Police Chief Supt. Sandro Tafalla – pagnanakaw ang nakikita nilang motibo sa krimen dahil nawawala ang mga cellphone, alahas at kotse ng mga biktima.

Napauwi naman sa bansa ang padre de pamilya na isang seaman sa abroad matapos na mabalitaan ang nangyari sa kanyang mag-ina.

Facebook Comments