PINAGNAKAWAN PA | Customs Representative, patay sa pamamaril sa Binondo

Binondo – Patay ang isang customs representative sa Binondo matapos barilin sa kanto ng Yuchengco at Escolta sa Maynila. Kinilala ang biktima na si Ferdinand Caballe, tinatayang nasa pagitan ng 40 hanggang 45 taong gulang. Sa inisyal na imbestigasyon, galing ang biktima sa bangko sa Escolta nang barilin ito ng mga suspek kung saan tinangay ang bag nito na naglalaman ng pera. Narekober sa lugar ng krimen ang kalibre .45 baril na hinihinalang naiwan ng mga salarin at P200,000.00 na pera na nasa loob ng jacket ng biktima. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis at sinisilip na din kung nahagip CCTV ang insidente.

Facebook Comments