PINAGPALIBAN | Tradisyunal na mass wedding sa Camp Crame ngayong araw ng mga puso, hindi tuloy

44

Manila, Philippines – Walang magaganap na tradisyunal na mass wedding sa Camp Crame ngayong araw ng mga puso.
Sa isang advisory na inilabas ng PNP-Public Information office ipinagpaliban muna ang aktibidad at gagawin ito sa ibang araw.
Walang binanggit na dahilan ang postponement, pero wala sa bansa ngayong araw si PNP chief PDG Ronald Bato Dela Rosa dahil nasa Jakarta Indonesia ito para tanggapin ang pinakamataas na parangal na ibibigay sa kanya ng Indonesian Police.
Ang mass wedding ay taunang aktibidad tuwing February 14 sa Camp Crame.
Kung saan ang PNP Chief at ang mga matataas na opisyal ng PNP ang kalimitang tumatayong sponsor sa mga bagong-ikakasal na PNP personnel.

Facebook Comments