PINAHINTULUTAN | Dating first gentleman Mike Arroyo, pinayagan na makalabas ng bansa

298

Manila, Philippines – Pinahintulutan muli ng Sandiganbayan si dating First Gentleman Mike Arroyo na makalabas ng bansa.

Ito’y matapos aprubahan ng 7th division ng anti-graft court ang motion to travel ni Ginoong Arroyo.

Nakatakdang magtungo sa Tokyo, Japan at Hongkong mula October 27 hanggang November 7 ang dating FG.

Napagnigyan ng korte ang mosyon ni Arroyo na makabiyahe dahil hindi naman ito tinutulan ng prosecution.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong katiwalian sa 7th division ng Sandiganbayan dahil sa maanomaliyang transaksiyon ng pagbebenta ng helicopter nito sa PNP noong 2009.

Facebook Comments