PINAIIMBESTIGAHAN | Kondisyon ng mga empleyado sa mga mall, pinasisilip sa Kamara

161

Manila, Philippines – Paiimbestigahan ng Gabriela Women’s Partylist ang kondisyon ng mga mall workers sa lahat ng mga malls.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang nakapandidiring kondisyon ng restroom at locker room ng mga empleyado sa Landmark Makati.

Sa mga kumalat na larawan, makikita na puro lumot ang tiles at dingding, sira ang ceiling, madilim at tumutulo ang tubig sa sahig ng cr para sa mga mall workers.

Giit ni Gabriela PL Rep. Emmi de Jesus, nakakabahala dahil contractual at underpaid na nga ang mga empleyado sa mga mall, mala-impyerno pa ang kondisyon ng mga ito sa kanilang pinagtatrabahuan.

Maliban sa Landmark Makati, paiimbestigahan din ng kongresista ang lahat ng mga mall sa Metro Manila na may kaparehong kondisyon.

Hinikayat din ni De Jesus ang mga mall employees na isumbong ang iba pang hindi magandang sitwasyon at pagtrato na ginagawa sa kanila ng pamunuan ng mga mall.

Facebook Comments