Pinaka-unang national swimming event, isasagawa sa Cagayan De Oro

41

Cagayan De Oro, Philippines – Isasagawa sa siyudad ng Cagayan De Oro ang pinaka-unang national swimming event ngayong Mayo 28 nitong taon.

Ito’y gagawin sa bagong binuksan na Kagay-An Lawndale Spring Resort sa Sitio Taguanao, Brgy Indahag.

Ang aktibidad ay pangungunahan ng Philippine Swimming League na lalahukan ng mga high school students mula sa iba’t-ibang paaralan ng bansa.

Layon ng event na mapalago ang school sports activities and interactions hindi lamang sa buong Pilipinas kundi pati na rin sa international events.

Ang mananalo sa kompetisyon ang siyang maglalaro sa Singapore, Japan at Dubai Swimming Championship.

DZXL558

Facebook Comments