Pinakahihintay na debut ni Los Angeles Lakers rookie Lonzo Ball, nauwi sa pagkatalo kontra sa Clippers

NBA – Marami ang nadismaya sa unang laro ni Lonzo Ball sa Los Angeles Lakers matapos matambakan ng koponan ng LA Clippers, 108-92 sa NBA.

Umiskor lamang kasi si Ball ng 3 points, 4 assists at 9 rebounds, malayo sa inaasahang output mula sa second overall pick ng nakaraang NBA Draft.

Hindi nakaporma si Ball sa mala-anacondang depensa ni Patrick Beverley sa rookie guard sa buong laro.


Pinangunahan ni Blake Griffin ang Clippers sa pagkamada ng 29 points at 12 rebounds para ipakita na sa battle of LA, ang mga Clippers ang hari.

Nagdagdag naman ng 15 points at 24 rebounds si DeAndre Jordan.

Facebook Comments