Pinakamalaking bus company sa Negros, hindi sasama sa transport strike sa Lunes

Bacolod City – Hindi sasama ang Vallacar Transit Inc. o ang Ceres Bus Liner sa isasagawang tigil biyahe sa darating nga Lunes at Martes, June 5 and 6.

Ayon sa Media and Legal Department Head ng Vallacar na si Jade Marquez-Seballos, ang kompanya ay magpapadala pa ng mga bus sa iba’t ibang bahagi ng Bacolod City upang matulungang makasakay patungo sa kanilang destinasyon ang mga pasaherong inaasahang ma-stranded.

Sinabi pa ni Seballos na hindi sila sasali sa transport strike dahil na comply na ng Vallacar Transit ang kanilang modernization sa kanilang mga units.


Maliban sa Vallacar Transit, hindi rin sasama sa transport strike ang Federation of Bacolod Drivers Association o FEBACDA at Sentrong Samahan ng Tsuper at Operators Negros o SSTONE.
DZXL558

Facebook Comments