Pinakamalaking Pasilidad ng BJMP sa Rehiyon Dos, Itatayo sa Lungsod ng Ilagan

33
Nakatakdang itayo ang pinakamalaking tanggapan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 2 sa lungsod ng Ilagan.

Ayon ito kay JSSupt. Ma Annie Espinosa sa isinagawang paglagda ng Deed of Usufruct sa pagitan ng ahensya at Lokal na Pamahalaan ng lungsod ng Ilagan sa pangunguna ni City Mayor Josemarie Jay Diaz.

Dumalo rin sa nabanggit na aktibidad sina JCInsp Gilbert Accad, Provincial Administrator, BJMP Isabela; JSInsp Randy Dupilas, Jail Warden ng Ilagan City District Jail (ICDJ).

Isa sa highlight ang nasabing paglagda sa isinagawang Groundbreaking Ceremony ng itatayong Winter Wonder Park sa lungsod noong Huwebes, Agosto 11, 2022 sa Brgy. Lullutan, City of Ilagan, Isabela.

Facebook Comments