Pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 mula sa loob ng halos limang buwan, naitala kahapon sa 2,588; 18,090 na aktibong kaso ng sakit, pinakamataas naman sa loob ng halos tatlong buwan!

46

Naitala kahapon ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng halos limang buwan.

Ito ay matapos umabot sa 2,588 ang naitalang kaso ng sakit kung saan ito na rin ang ikalawang sunod na araw na mahigit 2,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19.

Samantala, umakyat na sa 3,727,970 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 18,090 ang mga aktibong kaso ng sakit na pinakamataas sa loob ng halos tatlong buwan.


Habang, pumalo na sa 3,649,239 ang bilang ng mga naka-rekober sa sakit matapos makapagtala ng 742 na bagong mga gumaling.

Nananatili naman sa 60,641 ang mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments