Pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na tatlong buwan, naitala kahapon ng DOH

45

Naitala kahapon ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na tatlong buwan.

Ito ay makaraang umabot sa 770 ang bagong kaso ng COVID-19 kahapon na pinakamarami mula noong March 7.

Sa ngayon, pumalo na sa 3,699,251 ang kabuuang kaso ng sakit, habang aabot na sa 6,068 ang aktibong kaso sa bansa.


Nasa 3,632,676 naman ang kabuuang gumaling sa COVID-19, habang 12 pa ang nadagdag sa mga nasawi para pumalo na ngayon sa 60,507 ang total COVID-19 deaths sa bansa.

Facebook Comments