Pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 simula Abril, naitala kahapon ng DOH

27

Nakapagtala ang Department of Health ng 539 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Ito ang pinakamataas na naitalang daily case count simula noong Abril.

Dahil dito, sumampa na sa 3,829 ang aktibong kaso ng COVID-19 mula sa 3,462 na naitala kamakalawa.


Umakyat na rin sa 3,695,068 ang kabuuang kaso ng sakit kung saan 3,630,772 dito ang gumaling na matapos madagdagan ng 166 new recoveries.

Samantala, nakapagtala ng 6 na nasawi sa virus dahilan para umakyat ang total COVID-19 death toll sa bansa sa 60,467.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, nasa 18.2% ang bed occupancy rate sa bansa kung saan 5,508 na kama ang okupado habang 24, 836 ang bakante.



Facebook Comments