Pinakamataas na bilang ng mga nabakunahan sa buong bansa sa loob ng isang araw, naitala nitong sabado

Umabot sa 1.2 milyong indibidwal ang nabakunahan sa Pilipinas nitong Sabado na siyang pinakamataas na bilang ng mga nabakunahan sa buong bansa sa loob ng isang araw.

Batay sa datos ng National COVID-19 vaccination dashboard, nasa 69,028,113 doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa bansa kung saan 31,355,064 ang fully vaccinated.

Tiniyak naman ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na lalo pang paiigtingin ng pamahalaan ang pagbabakuna lalo’t marami na ring vaccinators sa bansa.


Sa ngayon, umabot na sa 123,258,340 doses ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas na pawang binili ng gobyerno at donasyon ng ibang bansa.

Facebook Comments