Pinakamataas na bilang ng natanggap na bakuna sa loob ng isang linggo, naitala ng Pilipinas

Nakatanggap ng Pilipinas ang pinakamataas na bilang ng mga bakuna sa loob ng isang linggo.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., kinabibilangan ito ng 9,596,270 doses ng COVID-19 vaccine kung saan mayorya ay Sinovac na nasa 5 milyong doses.

Sinundan ito ng Pfizer na mayroong 2,774,070 doses, Moderna na 961,000 doses, AstraZeneca na 661,200 doses at 190,000 Sputnik V para sa second dose.


Inaasahang mago matapos ang Oktubre, aabot na sa 100 milyong doses ng COVID-19 ang maide-deliver sa Pilipinas.

Facebook Comments