Pinakamataas na pagkilala mula sa Commission on Audit, nakamit ng Pag-IBIG Fund

84

Sa ikawalong pagkakataon, muling nakamit ng Pag-IBIG Fund ang pinakamataas na pagkilala mula sa Commission on Audit (COA) para sa isinagawa nitong presentasyon ng kanilang financial statements,

Ayon kay Sec. Eduardo del Rosario, Chairman ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, isa na naman itong milestone para sa kasaysayan ng Pag-IBIG Fund na patuloy na nagse-serbisyo sa mga Filipino sa loob ng walong taon.

Nagpapasalamat naman si Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti sa COA dahil sa ibinigay nitong pagkilala.

Facebook Comments