PINAKIKILOS | Rehabilitation efforts sa Marawi, pinasisilip ng Kamara

Manila, Philippines – Pinakikilos na agad ni House Speaker Gloria Arroyo ang House Committee on Disaster Management kaugnay sa rehabilitation efforts sa Marawi City makalipas ang mahigit isang taon nang maganap ang gyera sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at Maute group.

Pinasisilip ni Speaker Arroyo sa komite ang development ng rehabilitasyon sa Marawi partikular ang status sa housing development para sa mga biktima ng gyera.

Kabilang sa priority agenda ng komite ay ang gagawing ocular inspection sa Marawi City sa December 10.


Alinsunod sa direktiba ni Arroyo ay bibisitahin ng komite ang resettlement area at titingnan ang kasalukuyang kalagayan ng mga residente doon.

Katuwang din sa gagawing pagbisita ng Kamara ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siya namang tutugon sa psychosocial effects at relief distribution sa mga biktima ng armed conflict.

Facebook Comments