PINALAGAN | Ilang senador, umangal sa maagang paglalabas ng committee report ukol sa Dengvaxia controversy

53

Manila, Philippines – Umangal sina Senators Risa Hontiveros, Antonio Trillanes IV at JV Ejercito sa agad na pagsasapubliko ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon sa draft report kaugnay sa Dengvaxia controversy.

Diin ni Hontiveros, nakakalungkot ang hakbang ni Gordon dahil lalo lang napatunayan ngayon na may halong politika ang imbestigasyon ng senado kaugnay sa isyu ng Dengvaxia.

Buo naman ang pag-asa ni Senator Trillanes na hindi aaprubahan ng mga senador ang nabanggit na draft report dahil malinaw na black propaganda at publicity stunt lang ito ni Gordon.

Sabi naman ni Senator Ejercito na Chairman ng Committee On Health na katuwang ng Blue Ribbon Committee na nagsagawa ng imbestigasyon, sana ay pinulong muna ni Gordon ang lahat ng miyembro ng komite.

Ayon kay Ejercito, ito ay para nangibabaw sa draft report ang pananaw ng mayorya ng committee members.

Facebook Comments