PINALAGAN | Mga militante, nagprotesta sa harapan ng DOJ

48

Manila, Philippines – Kinalampag ng mga miyembro ng grupong Anakpawis ang
bakuran ang Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura sa Maynila.

Ilang oras na nagsagawa ng programa ang mga militante kung saan binabatikos
nila ang pagdeklara sa makakaliwang grupo bilang terorista.

Aniya, hindi maituturing na terorismo o krimen ang paglaban para sa tunay
ma reporma sa lupa.

Binatikos din ng grupo ang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal
Court o ICC, na anila’y mistulang pag-amin sa mass murder ng Duterte
Administration.

Maituturing din anila itong pagtakas ng Pangulo sa kanyang pananagutan.

Facebook Comments