PINALAGAN | Pahayag ni Pangulong Duterte laban sa mga kababaihan, inalmahan ng grupong Gabriela

96

Manila, Philippines – Pumalag ang grupong Gabriela sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na barilin sa kanilang mga ari ang mga babaeng miyembro ng New People’s Army.

Sa idinaos nilang One Billion Rising Revolution kahapon sa Remedios Circle na dinaluhan ng mga estudyante mula sa ilang pangunahing Unibersidad sa Metro Manila, labis na tinuligsa ng Gabriela ang “shoot vagina” remarks ng Pangulo na anila ay nagpapatunay ng pagiging sexist fascist ng pangulo.

Paliwanag ng Gabriela na ang mga pahayag ng pangulo laban sa kababaihan ay maaaring maging batayan upang usigin umano siya sa kasong war crimes lalo na maituturing umano ito na paglabag sa International Humanitarian Law.

Sa Marso 8, o International Working Women’s day, inaasahang muling magsasagawa ng malawakang kilos protesta ang Gabriela sa mga pangunahing Lungsod sa bansa.

Facebook Comments