PINALAGAN | Senador De Lima, hindi prinsipyo ang ipinaglalaban – Malacanang

73

Manila, Philippines – Kinontra ng Palasyo ng Malacanang ang naging pahayag ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa paglulunsad ng electronic book ni Senador Leila de Lima na ‘Dispatches from Crime 1’ na ang senador ay prinisipyo ang ipinaglalaban.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, malayong prinisipyo ang ipinaglalaban at hindi rin dahil sa politika ang dahilan ng pagkakakulong ni de Lima.

Binigyang diin ni Roque na naaresto ang Senadora dahil sa mga akusasyon dito kaugnay sa iligal na droga dahil hinayaan umano nitong kumalat ang illegal drug trade sa National Bilibid Prison nang ito pa ay tumatayong kalihim ng Department of Justice.

Facebook Comments