
Nagsagawa ng pinaigting na foot patrol ang mga tauhan ng City Mobile Force Company (CMFC) ng Dagupan City Police Office (DCPO) bilang bahagi ng pagpapatupad ng Oplan Bandillo noong Abril 13, 2026.
Bandang alas-3:23 ng hapon nang simulan ang operasyon sa Post 11 Fishport 2 sa Barangay 1, Dagupan City. Layunin ng aktibidad na mapigilan ang posibleng krimen at masiguro ang kaligtasan ng publiko sa nasabing lugar.
Isa ang foot patrol sa isinasagawang hakbang ng pulisya upang mapanatili ang kaayusan at mapalakas ang presensya ng kapulisan sa komunidad. Dagdag pa dito, nagsisilbi rin itong paalala sa publiko na aktibo ang mga awtoridad sa pagbabantay laban sa anumang banta sa seguridad.
Patuloy namang hinihikayat ng kapulisan ang pakikipagtulungan ng mamamayan sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








