PINALALALIMAN PA | Mas malalimang imbestigasyon sa Sagay Massacre, inutos ng DOJ sa NBI

52

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may report na ang NBI kaugnay ng October 20 Sagay Massacre.

Gayunman, Hindi na idinetalye ni Secretary Guevarra ang nilalaman ng progress report ng NBI.

Pero tila hindi kontento ang kalihim sa ulat ng NBI kaya inatasan nya ang kawanihan ng laliman pa ang imbestighasyon nito.

Wala aniya kasing malinaw na indikasyon kung sino ang mga tunay na salarin sa krimen.

Niratrat ng mga di kilalang armadong kalalakihan ang mga miembro ng Negros Federation of Sugar Workers habang nagpapahinga sa mga tent sa Hacienda Nene noong gabi ng Oktubre a-bente uno.

9 ang namatay kabilang ang dalawang bata.

Facebook Comments