PINALAWAK NA STA. CRUZ BRIDGE SA ILOCOS SUR, BINUKSAN NA

Mas mabilis at ligtas na biyahe ang maaasahan ngayon ng mga motorista sa kahabaan ng Manila North Road sa Sta. Cruz, Ilocos Sur matapos buksan kahapon ang Sta. Cruz Parallel Bridge.

Mula sa dating dalawang lane, pinalawak ito upang maging apat na lane, kung saan ang orihinal na tulay ay magsisilbing daanan para sa mga sasakyang patungong timog, habang ang bagong tayong tulay ay para naman sa mga patungong hilaga.

Inilaan Ang Php 48.16 milyon para sa unang Phase nito, habang ang Phase 2 naman ay pinondohan ng Php 44.97 milyon.

Ang kabuuang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) ng 2024 at kinabibilangan ng earthworks, concrete paving, asphalt overlay, paggawa ng tulay, at flood control measures upang masiguro ang tibay nito sa mahabang panahon. Dahil sa pagpapalawak ng tulay, inaasahan ang mas maayos na daloy ng trapiko at mas ligtas na paglalakbay para sa mga residente at biyahero.

Hinihikayat ng DPWH ang mga motorista na gamitin na ang bagong bukas na tulay at sumunod sa mga itinakdang batas-trapiko upang mas maging maayos ang biyahe. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments