PINANGALANAN NA | Bagong commissioner ng COMELEC, itinalaga na ni Pangulong Duterte

316

Manila, Philippines – Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Antonio Kho Jr. bilang bagong commissioner Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, pinirmahan kahapon ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Kho bilang kapalit sa nabakanteng posisyon ni COMELEC Chairman Sherrif Abas bilang commissioner.

Nang maitalaga kasing chairman ng komisyon si Abas, nabakante nito ang posisyon bilang commissioner.

Si Atty. Kho ay dating undersecretary ng Department of Justice (DOJ) na naghain ng courtesy resignation noong nakaraang buwan matapos hilingin ni bagong Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagbibitiw ng lahat ng undersecretaries na itinalaga noon ni dating Secretary Vitaliano Aguirre II.

Facebook Comments