PINANGANGAMBAHAN | Pagpasa ng batas pabor sa aborsyon, susunod na kapag tuluyang naipasa ang Divorce Bill

Manila, Philippines – Nagbabala si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa
posibilidad na isulong na rin ng mga mambatatas ang usapin sa aborsyon sa
bansa.

Kasunod na rin ito ng pagkakalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ng
House Bill no. 7303 o Absolute Divorce and Dissolution of Marriage Bill,
kahit na tutol dito si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa interview ng RMN, sinabi ni Atienza na ang Divorce, Abortion at Same Sex
Marriage ay bahagi ng agenda ng Amerika na itinutulak sa Pilipinas ng mga
makakaliwang grupo.


Kaya hindi na ikinagulat ni Atienza ang pagpabor ng mga ito sa Divorce Bill.

Kaya apela ni Atienza sa mga kapwa mambabatas, huwag maging sunod-sunuran
sa paggawa ng saligang batas.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments