Pinapairal na Muslim ID system, pinapahinto ni Senator Gatchalian

216

Tarlac, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian ang agarang pagpapahinto ng ipinapatupad na Muslim identification o ID card system sa lalawigan ng Tarlac.

Diin ni Gatchalian, isa itong uri ng diskriminasyon at paglabag sa karapatan ng ating mga kababayang Muslim.

Naniniwala si Gatchalian na maganda ang intensyon ng mga Local Government Units sa implementasyon nito pero hindi aniya ito patas para sa mga kapatid nating Muslim.


Nangangamba rin si Gatchalian na ang nabanggit na Muslim ID System ay magdulot ng karahasan paban sa mga Pilipinong Muslim.

Ikinatwiran pa ni Gatchalian, na hindi dapat iugnay sa mga teroristang grupo tulad ng Maute Terror Group ang mga Pilipinong Muslim na sumusunod naman sa batas.

“The Muslim ID card system is a discriminatory policy which violates the constitutional right of Muslim Filipinos to equal protection under the law. It should be scrapped immediately,” giit ni Senator Gatchalian.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558



Facebook Comments