PINASASAGOT | Online news site na Rappler, pinadadalo sa preliminary investigation ng DOJ ukol sa kinakaharap na tax evasion

17

Manila, Philippines – Pinasasagot ng Department of Justice (DOJ) ang mga opisyal ng online news site na Rappler ang P133-million tax evasion complaint na inihain laban dito ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Batay sa subpoena ng DOJ na pirmado ni Assistant State Prosecutor Zenamar Machacon-Caparros, pinadadalo nito sa pagdinig si Rappler President Maria Ressa at treasurer James Bitanga.

Itinakda ang preliminary investigation sa reklamo sa April 24 at May 7 ganap na alas onse ng umaga sa tanggapan ng DOJ sa Manila.

Bukod dito, pinagsusumite rin ang dalawa ng kanilang counter-affidavit.

Nakasaad pa sa subpoena na kapag nabigo ang mga ito na sumunod ay ikukunsidera itong waiver na magharap ng kanilang depensa at pagpapasyahan ang reklamo base sa mga ebidensya na nasa kamay ng piskalya.

Facebook Comments