PINATAUHAN | Pangulong Duterte, naglagay na ng kapalit ng sinibak na dating Sec. Gen. ng HUDCC

Manila, Philippines – Pansamantalang pinatauhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nabakanteng opisina ni Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC Secretary General Falconi Millar.

Sa inilabas na memorandum ng office of the Executive Secretary ay itinatalaga ni Secretary Salvador Medialdea si National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr. bilang concurrent secretary General ng HUDCC.

Ang hakbang na ito ay utos ni Pangulong Duterte upang matiyak na magpapatuyloy at epektibong maihahgatid ang serbisyo publiko ng naturang tanggapan.


Matatandaan na dahil sa katiwalian ay sinibak ni Pangulong Duterte si Millar na ayon naman sa Malacañang ay dumaan sa proseso at mayroong mabigat na basehan.

Facebook Comments