PINAWAWALANG BISA | Kampo ni Senador Trillanes – naghain na ng petisyon laban sa proclamation number 572 ni Pangulong Duterte

274

Naghain na sa Korte Suprema ng petition for certiorari and prohibition ang kampo ni Senator Antion Trillanes IV.

Ito ay para hilingin sa korte suprema na mag-isyu ng writ of preliminary injuction o temporary restraining order (order) laban sa proclamation no. 572 na nagpapawalang-bisa sa amnesty ng senador.

Ayon sa abogado ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles – walang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang amnesty.

Aniya, wala nang kaso pa ng senador ang dapat buhayin dahil na-dismiss na ito noon.

Kung magkataon, paglabag aniya ito sa karapatan ni Trillanes laban sa double jeopardy.

Dagdag pa ni Robles, malinaw na target at hina-harass talaga ng administrasyong Duterte si Trillanes.

Facebook Comments